Bakit Tinuguriang Fire Prevention Month ang Buwan ng Marso sa Pilipinas?

182
Photo courtesy of: elitereaders.com

Kadalasang nagsisimula ang panahon ng tag-init o summer sa Pilipinas tuwing sumasapit ang buwan ng Marso. Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa paligid ng buwan na ito nagsisimulang tumaas sa pinakamataas na antas ang temperatura ng atmosphere na nagiging sanhi ng matinding init sa ating katawan at kapaligiran.

Ayon sa Bureau of Fire Protecton (BFP), sa buwan rin na ito naitala ang pinakamataas na bilang ng sunog mula sa taong 2010 hanggang 2013 at nasa tinatayang siyam (9) na insidente rin ng sunog ang nagaganap sa Pilipinas kada araw.

Alinsunod sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A na nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1966, ang buwan ng Marso ay tinagurian bilang Fire Prevention Month. Sa panahong ito, nagkakaroon ng mga fire drills at seminars sa lugar na gaya ng eskwelahan, barangay, at mga kumpanya upang paalalahanan ang publiko sa mga bagay na dapat gawin kung aksidenteng makasaksi o makaranas mismo ng sunog.

Ito ang ilan sa mga safety tips upang makaiwas sa insidente ng sunog. (Courtesy: Pilipino Star Ngayon)

  1. Huwag maninigarilyo sa kama lalo na pagkatapos uminom o maglasing.
  2. Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaaring pagsimulan ng sunog sa loob ng inyong tahanan tulad ng mga basura at iba pang flammable materials.
  3. Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng bata.
  4. Ugaliing mag­lagay ng ashtray sa inyong tahanan kung may naninigarilyo. Huwag itatapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan. Ugaliin ding patayin ang upos ng sigarilyo bago ito itapon.
  5. Huwag ilagay ang kandila, oil, o gas lamps sa mga lugar na malapit sa kurtina o sa anumang mga bagay na mada­ling magliyab. Sigura­duhin ding hindi ito mapaglalaruan ng mga bata o masasagi ng mga alagang hayop. Patayin ang nakasin­ding kandila bago matulog.
  6. Huwag magtago ng mga flammable materials katulad ng gasoline, alcohol, at pintura sa loob ng inyong tahanan.
  7. Iwasan ang pagsusunog ng basura lalo na ng plastic at rubber sa inyong bakuran.
  8. Mahalagang may­ fire extingui­sher sa loob ng inyong tahanan.
  9. Huwag iwanan ang niluluto lalo na kung may mantika sa kawali habang nagpi-prito. Sakaling bigla itong magliyab dahil napabayaan, HUWAG bubuhusan ng tubig dahil lalong lalaki ang apoy. Sa halip, takpan ng basang basahan o basang towel ang kawali.
  10. Iwasan ang pagsasaksak ng maraming appliances sa isang outlet na kung tawagin ay octopus connection.
  11. Posible ring pagsimulan ng apoy ang mga sirang plug dahil sa overheating.
  12. Siguraduhing inalis o tinanggal ang plantsa sa outlet matapos itong gamitin.
  13. Palaging itsek ang gas hose ng inyong LPG at palitan kaagad kung ito ay may sira o may tagas.
  14. Huwag magbasa sa kama gamit ang kandila o gasera.
  15. Sumunod sa mga No Smoking Signs.

 

Tandaan, hindi lamang tuwing buwan ng Marso dapat mag-ingat. Panatilihin ang kaligtasan ng inyong pamilya sa buong taon.

SHARE:
0