Dating Mayor Aldrin San Pedro, inendorso si Doktora Ning Calalang sa pagkakonsehal

217

Muntinlupa, Philippines — Bago matapos ang kampanyang panglokal sa bansa, nagsagawa ang dating alkalde ng Lungsod ng Muntinlupa, Mayor Aldrin San Pedro, ng isang boodle fight kasama si Doktora Ning Calalang at ang mga pangulo ng bawat bloke ng Barangay Bayanan kaninang hapon, ika-8 ng Mayo sa nasabing barangay.

Sa naganap na salo-salo, inihayag ni Mayor San Pedro ang kanyang taos-pusong pagsuporta at pagmamahal kay Doktora Calalang sa kanyang talumpati:

“Sa akin pong mga kababayang taga-Muntinlupa, magandang araw po sa inyong lahat. Ako po ay nakikiusap na tulungang po natin maibalik muli sa konseho si Konsehala Ning Calalang. Naniniwala po ako sa kanyang kakayahan. Nakasama ko po siya bilang konsehal noong 2007. Nakita ko po kung gaano kaganda ang mga proyektong kanyang ginawa na nakatulong sa mga mamamayang taga-Muntinlupa. Naniniwala po ako na kinakailangang ibalik po nating muli ang ganyang klase ng serbisyo dito sa Muntinlupa. Kinakailangan po natin na maibalik muli sa konseho si Konsehala Ning Calalang. Kaya ang pakiusap ko po sa inyo, ibalik po natin ang magandang ngiti sa ating mga taga-Muntinlupa. Iboto po natin, number 4, Konsehala Ning Calalang, for councilor, Muntinlupa City.”

Pagkatapos ay makikitang itinaas ni Mayor San Pedro ang kamay ni Doktora Calalang bilang opisyal na pag-endorso nito sa kanya.

Si Doktora Calalang ay tumatakbong konsehal sa Lungsod ng Muntinlupa upang muling maghatid ng Alagang Magbibigay Ngiti sa bawat isang pamilyang Muntinlupeño.

SHARE:
0