GenTri makatatanggap ng Libreng WiFi: Smart

2127

Cavite, Philippines — Sa susunod na buwan matapos magkasundo ang Pamahalaang Lungsod ng General Trias at Smart Communications sa isang Memorandum of Understanding (MOU), makatatanggap ng Libreng WiFi ang mga Gentriseño sa mga estratehikong lugar ng Lungsod.

Nilagdaan nina Mike Nolasco, Smart’s Business Head for South Luzon, General Trias City Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Cavite 6th District Representative Luis ‘Jon-Jon’ Ferrer IV, at Vice Mayor Morit Sison ang nasabing kasunduan noong ika-27 ng Marso sa Bayleaf Hotel sa Barangay Manggahan.

“Before, (mobile) devices were a luxury, now they are a necessity, (Dati, ang mga gadget ay isang luho; ngayon ito ay isang pangangailangan.)” sabi ni Nolasco.

“Salamat po sa Smart sa pagbibigay ng Libreng WiFi sa ating lungsod,” sabi naman ni Mayor Ferrer sa kanyang talumpati.

Kabilang sa mga lugar kung saan magkakaroon ng Libreng WiFi ay ang pampublikong pamilihan (wet market), plaza, munisipyo at sports center.

SHARE:
0